Tenure para kay Propesor Sarah Raymundo!
Halos sampung taon nang nagsisilbi bilang guro si Prop. Sarah Raymundo sa Departamento ng Sosyolohiya ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Konsistent na mataas ang kanyang student evaluation, mayroon siyang mga publikasyon sa refereed journals, nakapagsalita sa mga internasyonal at pambansang kumperensya, at mayaman ang rekord ng extension work at serbisyo sa departamento at unibersidad. At ito ang mga batayan ng tenure sa unibersidad.
Matapos ang halos isang taong pagkakasalang ng kanyang aplikasyon sa tenure, berbal na ipinaabot ni Dr. Clemen Aquino, tagapangulo ng Departamento ng Sosyolohiya, noong Nobyembre 6, 2008 kay Prop. Sarah Raymundo, ang desisyon ng tenured faculty ng Departamento na hindi siya bibigyan ng tenure. Dagdag pa rito, nagbigay ng instruksyon si Dr. Aquino na huwag pumasok si Prop. Sarah Raymundo sa kanyang mga klase hanggang walang abiso.
Hanggang sa ngayon, pagkatapos ng dalawang sulat na humihingi ng paliwanag si Prop. Sarah Raymundo kung bakit hindi siya pinagkalooban ng tenure at kung bakit pinahihinto siya sa pagtuturo sa mga klase niya, wala pa ring malinaw na paliwanag ang departamento. Ang tanging tugon ng Officer-in-charge ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya ay ang pagsuporta ng College Executive Board sa posisyon ng tenured faculty ng departamento. Nagbitaw pa ng pahayag si Dr. Aquino na kinokonsulta pa ang U.P. Legal Office hinggil sa kanilang susunod na mga hakbang. Lalong pinagtatakhan ni Prop. Sarah Raymundo ang ganitong pahayag dahil wala siyang alam na kasong inihaharap sa kanya.
Ang tanging nakikita ng Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND) sa pagkakait kay Prop. Sarah Raymundo ng tenure ay ang kanyang mayamang rekord sa progresibo at makabayang kilusan. Siya ay kasalukuyang secretary-general ng CONTEND at aktibong miyembro ng All UP Academic Employees Union, at ng Alliance of Concerned Teachers (ACT). Naging boluntaryong mananaliksik din siya sa Karapatan, ang grupong nagtataguyod ng karapatang pantao.
Hindi maikukubli ng mga nagpoposturang liberal na ang tunay na dahilan sa likod ng kanilang desisyon ay ang progresibong paninindigan ni Prop. Sarah Raymundo. Malinaw na isa itong kaso ng witch-hunting at pulitikal na represyon.
Nakagagalit na sa sentenaryong taon ng akademikong kagalingan at serbisyo sa bayan ng UP, may nagaganap na malaking kaso ng pagyurak sa karapatan ng kanyang mahuhusay na guro at iskolar. Marka ng adyendang neoliberal ang ganitong paglusaw sa pulitikal upang paburan ang ekonomikong imperatibo. Ngunit masigasig itong tinatapatan ng malawak at matinding protesta ng mga progresibong sektor ng pamantasan.
Mariing ipinapahayag ng CONTEND-UP, sa harap ng lahatang panig na represyon, ang pagtutol at paglaban sa panunupil at paglabag sa karapatang pulitikal at pang-ekonomiya ng ating kasamang si Propesor Sarah Raymundo.
Itigil ang witch-hunting! Tutulan ang represyong pulitikal!
Itaguyod ang kalayaang pang-akademiko!
Ipagtanggol ang guro at iskolar ng bayan!
Katarungan at tenure kay Propesor Sarah Raymundo!
UP ang galing mo, ialay sa bayan!