(Para kay Sarah Raymundo, red-baiting survivor)
ni Joi Barrios, CONTEND at BAYAN
larawan mula sa http://www.lovelab.id.ucsb.edu/images/joe.jpg
Nagmumulto si Senador McCarthy.
Gumagala-gala ang kanyang espiritu
sa mga pasilyo ng akademya.
Nalalanghap ng lahat
ang masangsang na bulaklak
ng tsampaka,
Naririnig ang kalansing
ng tanikalang nagbibigay babala:
Manginig, manginig!
Damhin ang malamig
na simoy ng hangin
na bumubulong-bulong
ng pangamba sa diwa
ng mga guro.
Nagmumulto si Senador McCarthy
at nagwiwika:
May pulahan sa ating pagitan!
Ang pula ay kulay na mapanganib!
Naghahasik ito ng punla,
naghihikayat ng pagkilos at paglaban,
Nagbabandila ng katwiran.
Mga kapatid sa akademya,
ang natatakot sa pula,
ay taong kaawa-awa,
pagkat walang sariling pag-iisip,
pagkat sakmal ng multo ang dibdib.
Hayaan na nating malibing sa kanyang hukay
si Senador McCarthy.
Ating angkinin ang kulay na pula
bilang kulay ng duguang rosas
na mahalimuyak,
kulay ng kasiyahan at galak,
kulay ng pusong matapang,
at pusong matatag.
Gumagala-gala ang kanyang espiritu
sa mga pasilyo ng akademya.
Nalalanghap ng lahat
ang masangsang na bulaklak
ng tsampaka,
Naririnig ang kalansing
ng tanikalang nagbibigay babala:
Manginig, manginig!
Damhin ang malamig
na simoy ng hangin
na bumubulong-bulong
ng pangamba sa diwa
ng mga guro.
Nagmumulto si Senador McCarthy
at nagwiwika:
May pulahan sa ating pagitan!
Ang pula ay kulay na mapanganib!
Naghahasik ito ng punla,
naghihikayat ng pagkilos at paglaban,
Nagbabandila ng katwiran.
Mga kapatid sa akademya,
ang natatakot sa pula,
ay taong kaawa-awa,
pagkat walang sariling pag-iisip,
pagkat sakmal ng multo ang dibdib.
Hayaan na nating malibing sa kanyang hukay
si Senador McCarthy.
Ating angkinin ang kulay na pula
bilang kulay ng duguang rosas
na mahalimuyak,
kulay ng kasiyahan at galak,
kulay ng pusong matapang,
at pusong matatag.
No comments:
Post a Comment